DEV Community

Toretn
Toretn

Posted on

Proseso ng paggawa ng aking (dating) Website

Website imageDahil sa pagkabagot noong pandemic, gumawa ako ng sarili kong website, mula noon hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang ilalagay ko dito. Sana naman ay sa susunod na rebisyon ng aking website ay magbago ito.

Detalyeng Teknikal

Ang website na ito ay gumamit ng TailwindCSS para sa disenyo ng website, ginamit ko ang SvelteKit framework para mas madali ang aking proseso ng paggawa ng website.

Proseso

Ang una kong pinagtuunan ng pansin sa paggagawa ng website ay ang blog function nito, kaya, sinundan ko lang itong blog post ni Josh Collinsworth na nangngangalang Let's learn SvelteKit by building a static Markdown blog from scratch.

At.... tad-aahh?
Error Page

Uhuh. Dahil sa mga sirkumstansyang di ko alam. Ito ang kinalabasan ng mga articles.

A example blog article
Medyo nagana naman, kung alam mo yung mismong URL ng isang artikulo, mababasa mo naman. Mayroon lang mga bagay na, sa aking opinyon, ay hindi nakalulugod sa aking mga mata.

Pagkatapos kong gawin yung blog, ginawa ko ang page para sa aking ginawang projects (na kailangan nang i-update)

At ginawa na lastly ang aking homepage.

Madali lang para sakin gawin itong proyektong ito, kung meron ka lang hilig para matuto at mayroong mga oras na pwedeng sayanin.

Maaring makita ang buong code sa aking Github repository

Top comments (0)